“Samahang hindi nagbago sa loob ng tatlong taon.”
Nakakatawang isipin dahil sa lahat ng naging close ko sa klase, sila yung hindi nagbago ng pakikitungo sa akin at pati na rin sa iba. Ang hirap ngang isipin na marami na palang pinagdaanan ang tropang ito. Di ko nga maalala kung kailan at saan kami nag-away. Tampuhan, oo marami niyan, pero sa tropang ito, hindi uso ang PRIDE. Mayroon mang sakitan at kantyawan, pero kahit kailan, hindi nagkagalit dahil lang sa simpleng bagay.
Sila yung mga taong may iba’t ibang personalidad pero alam mong makakasundo mo pagdating sa tawanan at sa ibang bagay. Yung mga taong nahuli yung kiliti mo at napatawa ka ng parang walang bukas. Oo, hindi kami nagkakasundo sa ibang bagay. Mabuti na rin daw yun, para walang agawan sa minamahal. Iba-iba kami ng gusto at hilig pero ang nakakatuwa, parang na-eexplore namin yung mundo ng isa’t isa dahil nga sa pagkakaiba-iba naming lahat.
Marami talaga akong di makakalimutang moments kasama sila. May crush ka? Asahan mo ng sasabihan ka ng “Malandi ka talaga!”. Pero ang totoo, wala talaga sa amin ang naglakas ng loob na lapitan sila. Pinagti-tripan niyo ang isa? Asahan mo na ng sasabihan ka ng “Mga walang hiya talaga kayo!”. Sila yung mga taong hindi mahihiyang gumulong sa daan sa katatawa at kakanta ng mga kanta ni Taylor Swift. Yung mayayakag mong wag muna umuwi at tumambay muna kahit alas-otso na. Magpapaiwan sa school hanggang sa mga CO na lang ang matira tapos hindi pa makukuntento at tatambay pa sa kwek-kwekan. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit ako lumobo ng ganito dahil sa kanila. Sila yung mga taong mauutangan mo kahit hindi mo na mabayaran. “Pakalog naman ng ganito ng ganyan bayaran ko bukas” tapos hindi na babayaran. Kung mayroon man kaming isang pinagkasunduan bukod kay Taylor Swift, ay yung paglalaro namin ng Volleyball. Hindi ko talaga gusto yung larong yun dati pero dahil sa kanila, nahilig ako. Masasabi kong iba ang tropa na ito dahil ibang klase din kami mag-bonding. Hindi lang pala sa pagpunta sa mga mall o pagtambay sa Mcdo ang pwede naming gawin. Kagaya na lamang ng pagpunta sa Agape Student Center at paggawa ng machichibog kapag nakatambay sa ibang bahay.Pero ang hindi ko talaga makakalimutan sa kanila ay ang presence ng bawat isa, kapag may problema ang isa. Minsan, kailangan mo lang pala ng makikinig sayo. At sila yung mga taong yun. Yung mga taong napagsasabihan mo ng sama ng loob at problema mo. Na sa isang tropa, hindi lang pala mahalaga na nagkakaintindihan kayo sa isang bagay, kundi sa lahat ng bagay ano man ang inyong pagkakaiba-iba.
Jannielle Vaflor
Siya ang unang naging kaibigan ko sa kanilang lahat. First year pa lang, kilala ko na siya. Kapangalan ko rin kasi tapos same pa kami ng month ng birthday. Siya talaga yung laging nagbabagsak ng biyaya sa amin ng sagot, lalo na sa Math. Kapag may crush siya, hindi namin narerealize na pogi pero as time goes by, hala ka pogi pala. Laging bukas ang kanyang tahanan para sa tambayan at kainan. Laging nakangiti kahit sa pinakasimpleng bagay. Isa sa mga palatandaan na na-aaburido na siya ay kapag nauuna na siyang maglakad at hindi na namamansin. Hindi na magpapahawak tapos minsan itutulak ka pa palayo. Echos lang lang yung tulak palayo.
Nadine Osis
Siya na! Siya na talaga! Ayoko na ngang isulat ito, lahat naman talaga na sa kanya na. Joke! Hindi ko talaga maalala kung paanong paraan ko naging close ang taong ito. Siguro dahil nakakasabay ko siya sa pag-uwi palagi kaya naging close kami nito. Siya yung taong iba kapag kasama kami. Vain talaga yan pag kami ang kasama. Mabait siya pero hindi siya perfect na mabait. Siya yung minsan nakakasundo ko sa ibang bagay at nagkakapareho ng hilig. Ang pinagkaiba lang namin, mas maganda ako sa kanya. Ay baliktad pala, siya pala ang mas maganda kaysa sa amin. In denial kapag nasasabihan ng compliment pero sanay na kami diyan. Siya ang counselor/karpintera/pulis/teacher sabi ko sa inyo eh! Lahat na nasa babaing ito. Pero kahit ganyan yan, hindi ako na-insecure diyan. Simple lang siya at alam ng lahat yun.
Anong meron dun sa picture?
- Christmas party yan last 2012. Kita niyo naman, pa-chix pa yung nasa gitna oh! Hahaha.
- Prom. Halata naman diba? Fierce kuno yan. Kasama si Amira as the fiercest woman of all.
- The best yan. Yan yung mga panahon na malungkot ako. Kapatid pa ni Jani ang photographer jan.
- Last month lang ata o ngayong month lang yan nakalimutan ko na. Ayaw pa namin umuwi niyan, actually 7pm na yan. Nagdecide kaming kumain muna at magkwentuhan sa Walter Mart.
Anong plano kong gawin kasama sila?
Sleep over sa bahay nila Jani. Sana nga within this week mapag-usapan namin yun. Nagpa-plano palang kami ng Nadine na mag Star City. Huhu, sana may pera. Pinag-iispan din namin mag volleyball clinic sa summer o kaya naman summer job.
Okay, hanggang dito na lang ang kaya kong isulat. Maraming salamat sa loob ng halos 3 taon na magkakasama tayo. Sa college, magkakaroon nanaman ng panibagong tropa pero para sa akin, eto pa rin yung tropa na SOLID. Mahal ko kayo kahit ganyan kayo. Tropa pa din! Salamat at sorry din. Wala man tayong takdang friendsary o monthsary para sa akin araw-araw mayroon tayong ganun. Hihihihihi :”>
Kailan mo ba nasabing, inlababo ka na sa isang tao? Yung pakiramdam na abot hanggang bahay yung kilig na naramdaman mo na nangyari pa kaninang umaga noong flag ceremony niyo?
Hindi ko talaga makakalimutan yung unang taong nagpatibok ng puso ko. Oo, bata pa lang ako nung nangyari sa akin yun at hindi nga ako sure kung talaga love ko na siya nun’ eh. From Manila to Leyte, nag-aral ako dun ng isang taon. Actually, hindi ko matanggap nung mga panahon na yun na malalayo ako sa parents ko. New atmosphere, new people…new language? Grabe, matagal tagal din bago ako nakapag-adjust sa salita. Kabilang sa first section, napagalaman kong hindi lang pala ako ang galing ng Manila. Taga-Manila rin siya kagaya ko. Naging close kami kasi lagi kaming inaasar sa isa’t isa. Lagi ko siyang natatanaw sa simbahan at lagi kong nakikitang naglalakad pauwi pati na rin yung nakakalaro ko siya tuwing lunchtime namin. Sabi nila, kamukha ko daw kasi yung crush niya dati. Ako naman si gaga, kinilig. Kahit na alam kong crush niya talaga yung pinsan kong maganda at maputi, crush ko parin siya. Hindi pa naman uso noong kabataan yung insecure.
Hindi ko na tinapos yung pasukan ‘non at umuwi na ako sa Manila. Noon pa lang, nakakakwentuhan ko na siya na pupunta na siya sa Qatar. Sabi ko naman sa kanya, babalik ako sa Manila. April 1, bumalik ako dito sa Manila. Few week later, nagtext yung kaibigan ko na pumunta na siyang Qatar. It hurts, grabe. Hindi ko nasabi sa kanya yung feelings ko. Biglaan din kasi yung paguwi ko sa Manila. Nagsisisi talaga ako mula noon hanggang ngayon. Walang week kasi na hindi ko siya naiisip kahit na nagkaroon ako ng minamahal.
6 years later (ngayon alam niyo na kung ilang taon ako noon), naging friends kami sa Facebook. Hindi ko siya minemessage dahil baka di niya ako kilala. Hanggang sa naglakas loob akong kausapin siya. Hindi na niya ako nakilala. Nagstart ang conversation namin nung magtanong ako kung kilala niya yung kapitbahay namin na close friend ko rin na lumipat din ng Qatar. Small world, kilala niya nga at naging mag classmates pa sila. Mula noon, nagkausap na kami at tinanong ko siya kung saan siya mag-aaral sa college. Sabi niya, mahal ang college sa Qatar kaya baka bumalik na lang siya sa Pinas. Sa isip ko, masaya dahil baka eto na yung second chance. Magtetake daw siya ng exam sa UST or La Salle. Pero nalungkot ako nung sinabi niya na kung uuwi man siya ng pinas, baka sa Cebu lang din siya mag-aral. Yun lang… Malungkot pero hoping na sana magkita kami. Sinabi ko kasi sa kanya na magkita kita na lang sa Pinas. Nakakatuwa din dahil friends kami sa Steam tapos niyayaya akong maglaro ng Dota 2. Kaso hindi naman nagana. Ngayon naman friends naman kami, though hindi kami naguusap palagi.
First love never dies. Totoo yun. Narealize ko sa sarili kong minahal ko nga siya noon kasi hanggang ngayon di ko parin makalimutan eh. Yung kapag kahit na anong klaseng love o kilig pa yung dumaan sa buhay mo, hindi mo parin makakalimutan yung unang kilig na naramdaman mo noon.
1) Open your photo. FILE>OPEN>SELECT YOUR PHOTO
*Again, let me use my own photo for this :p*
2) Search “nebula” on Google ang look for a picture of nebula. Choose one. Mine is this. Save the desired nebula picture.
3) Go back to your photoshop then click FILE>PLACE
And then select your nebula picture.
4) Resize the nebula picture ‘till it fits your image.
5) Right click the nebula picture and click “place”
6) Through the layer palette, click the blending option arrow.
7) Select “Luminosity”
8) Set your desired Opacity. May be 50-30, depends on you.
9) SAVE your final outcome as .png and you’re done! :)
This is my final work. As you can see, I added Adjustment Layers like Brightness/Contrast and Curves. You, too, may do the same. Just simply go to LAYER>NEW ADJUSTMENT LAYER>Then choose. :)
Series I. Dark green dresses by Mary Magdalene.
Series II. Green and mint floral dresses by Mary Magdalene.
Series III. Mint dresses by Mary Magdalene.
Series IV. Lavender and purple dresses by Mary Magdalene.
Series V. Light blue dresses by Mary Magdalene.
Series VI. Navy blue dresses by Mary Magdalene.
Series IX. Red dresses by Mary Magdalene.










