Puro masayang usapan pero dumating na ba kayo sa seryosong usapan? Usapan tungkol sa inyong dalawa? Mahalagang magkaroon ng seryosong usapan paminsan-minsan. Dito kasi mas lalo niyong napagtitibay ang isang relasyon. Pero ang pinakanakakainis sa lahat ay yung tatalikuran ka o iibahin yung usapan pag humantong na sa ganito. Nakakainis diba? Responsibilidad ng bawat isa ang mapagusapan ang tungkol sa kinabukasan niyong dalawa. Minsan kaya umiiwas ang mga tao sa usapang ganito ay dahil ayaw nilang humantong ito sa pagaaway. Pero mali, maling-mali. Parang tinakasan mo na rin ang responsibilidad mo bilang kasintahan. Sa mga ganitong panahon na nga lang kayo nagiging open sa isa’t isa, ipagkakait mo pa. Kung nagmamalasakit ka sa nararamdamabn ng taong mahal mo, pakikinggan mo siya at ibibigay ang opinyon mo. Sa ganitong paraan mas lumalaki ang tiwala niyo sa isa’t isa. Anong silbi ng araw araw nga kayong naguusap, ngunit sa likod naman pala nito ay marami kayong gustong sabihin sa isa’t isa. Bigyan ng pansin ang saloobin ng bawat isa. Wag maging makasarili. Mahalagang napaguusapan ang mga bagay kaysa tinatakasan.
Kahit gaano ka kabitter sa nangyari sa’yo, sa panloloko ng taong minahal mo o pagbabalewala niya sa’yo, hindi sapat na dahilan ‘yon para manira ka naman ng iba.
Alam kong gusto natin lahat ng masayang relasyon. Yung walang maninira, walang sisisingit at walang mangaagaw. Isipin mo na lang kung malagay ka sa sitwasyon na kayong dalawa ng karelasyon mo ang sinisiraan, magugustuhan mo ba? Yung hinihiling mo na mag-break sila agad. “Magbe-break din yan! Di naman yan magtatagal” , “Pag nag-away ‘yan panigurado bukas break na ‘yan.” Yung mga ganyang pananalita. Hindi yan tama, kasi sinasabi ko, mararanasan mo rin ‘yan. Masasaktan ka rin dahil sa paninira ng iba. Kung dumadaan ka sa matinding pagsubok ng pagiging bitter, at tuwing nakakakita ka ng couple ay parang gusto mong paguntugin ang ulo, tandaan lamang ang mga bagay na ito.
- Kapag nakakita ka ng couple, wag ka mainggit. Sa halip, mag positive thinking ka na isang araw may lalaking/babaing magmamahal sa’yo ng totoo. Yung mga couple na nakikita mo, hindi yan perfect. Anong silbi ng sweet nga sila sa paningin ng iba pero away naman sila ng away kapag sila na lang magkasama? Irespeto ang nakikita sa kanila. Kung sobra, pabayaan. Hindi naman magbabago ang mga ‘yan kung huhusgahan mo. Hindi naman natin alam kung bakit sila ganoon.
- Kapag ang taong mahal mo ay may mahal ng iba, pabayaan. Hayaan na natin si God ang maglead sakanya papunta sa’yo. Wag kang gumawa ng paraan. Wala kang mapapala kung pinaghirapan mo ngang kunin, masama naman. Hindi rin nadedevelop ang pagmamahal kapag galing ito sa pang-aagaw. Siraan ang girl/boy na yun sa iba? Para mo na ring siniraan ang sarili mo.
- Matutuong rumespeto sa relasyon ng may relasyon. Puro na nga sila away, pag-uusapan pa ng hindi magagandang bagay. Huhusgahan lang para may mapag-usapan. MALI. Unang-una, hindi natin alam kung anong tunay na dahilan ng pag-aaway ng dalawa. Pangalawa, silang dalawa lang ang nakakaalam ng tunay na ugali ng isa’t isa. Hindi natin dapat kinakampihan ang isa at pagkatapos sisiraan naman yung isa. Para narin nating kinunsinte ang isa sa kanila. Respeto, dapat bigyan ng time ang dalawa. Diyan kasi mas umaatake ang mga “mang-aagaw”.
- I-enjoy ang pagiging single. Swear, kapag nasa relasyon ka na, maiisip mo biglang masarap maging malaya. Yung walang iniisip o pinoproblema. Hindi man lahat ng single ay malungkot, marami din naman ang masaya. Dahil hindi rin lahat ng nagiging couple, ay nagiging masaya. Mag-isip, magmasid at siyempre kumuha ng payo sa mga kaibigang in a relationship. Sa ganoong paraan, malaki ang chance mo na makaiwas sa first heartbreak.
- Pray. Lahat ng bagay ay ibibigay sa atin ni Lord sa tamang panahon at sa tamang oras. Kung hindi mo pa talaga oras para magkaroon ng relationship, kailangang tanggapin. Huwag hilingin na sana magbreak sila ng mahal mo. Yung totoo? Marami pang ibabagsak si Lord. Kaya, learn to wait.
Tandaan na hindi lahat ng relationship ay perfect. Kung anong mayroon ka ngayon, o sino man ang kasama mo ngayon, tanggapin at i-appreciate habang nandyan.
Masasabi kong maswerte ako. Kahit di ako pinanganak na sobrang ganda. Kahit di ako pinanganak na magaling sa maraming bagay. Hindi naman ako kagaya ng iba na binigay na ang lahat sa kanilang lahat, hindi pa rin nakakaappreciate. Hindi lang usapang pera or yaman, pati na rin sa mga taong nandyan na nga para sa kanila, hindi pa nila mapansin. Bihira lang yung mga taong magii-stay sa buhay natin. Magugulat ka na lang isang araw magsisisi ka nalang na sinayang mo yung chance. Kaya nga iaappreciate ko na lang yung binigay sa akin. Ito yung will ni God para sa akin. Isa pa, mapa-Nursing o mapa-Pharmacy, kahit ano pa man diyan ang piliin ko, makakatulong pa rin ako sa kapwa.
Hindi ako bitter dahil sa lovelife. Bitter ako dahil gusto kong mag-varsity. As in kaso hindi talaga kaya ng course ko. Hindi daw kaya ng schedule. Maluwag pa nga schedule ko ngayon. Sa ngayon, ewan ko lang sa susunod. Maagang pasok, maagang uwi. Pero hindi lang kasi yung schedule ko yung problema, yung hirap na rin mismo ng course ko. Medical course, of course, mahirap yang course. Lol, course. Tapos malayo pa ang bahay ko sa school at for sure aabutin ng gabi ang training na delikado na para sa akin para umuwi. Saka, kailangan kong maging scholar next sem. Grabe, oo mukhang imposible para sa akin pero sige push pa rin. Nabibitter ako kasi gusto kong maging active sa mga extra curricular activities. Gusto kong sumayaw, kumanta o kahit ano! Gusto ko kasing makita kung ano ba talagang talent mayroon ako. Alam kong may dahilan si Lord bakit ginawa niyang akong malaking tao. I mean, yung katawang ganitong pang sports. Gusto ko ring mag Track and Field. Isa yun sa mga lagi kong napapanalong Gold nung Elementary ako. Pero wala eh, paker! Mas mahalagang mag-aral kaysa sa ganyan. Kung Nursing ako mas matatanggap ko pang hindi ko yun magagawa eh. Wala, kahit isa sa mga yan di ko magawa dahil iba ang ginusto nila para sa akin. Wala, ganun talaga tanggapin na lang.
Bigla akong napaisip sa future. This is not about my college life. This is about myself. Isa sa naisip ko sa future ko ay ano kayang magiging sunod na dahilan ng pag-iyak ko ng sobra? Yung last time, traumatic. Nakakadala at ayaw ko ng mangyari. Tapos bigla akong natakot, alam kong may mas malala pang mangyayari sa akin kaysa noon. Yung iyak na hindi ka na makahinga ng maayos at hinahabol mo na yung bawat paghinga mo. Yung matutulog ka na lang, iiyak ka pa tapos pag gising mo iyak ka nanaman. Yung iiyak ka sa ulan. Yung tatakbo ka habang umiiyak. Yung pagpigil mo sa pag-iyak. Yung iyak mong kinahihiya mong ipakita sa ibang tao dahil ayaw mong nakikita ka nilang nasasaktan. Yung manghihina ka sa kakaiyak. Puro yung…chos. Pero seryoso, may mas lalala pa ba doon? Ayoko na…as in ayoko na. Habang sinusulat ko ito, napapaisip ako. Akala ko may mas better pero mayroon din palang mas worse. Hindi pa ako ready ngayon. Unti-unti pa nga lang akong nakaka cope up sa nangyari sa akin noon tapos may mangyayari nanaman? Parang di ko yata kaya pa. Hindi naman sa may pinagdadaanan nanaman ako pero alam kong habang iniipon ko yung mga masasayang panahon na nararanasan ko ngayon, alam kong soon may dadating nanaman na masakit..na malungkot. Wag muna sana ngayon kasi hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kaya talaga.
Bakit ganun? Bigla kong naisip na mahirap pala talaga yung course ko. Nagsama-sama yung mga subject na ayaw ko. Challenge ba ‘to o wala lang talaga akong choice at yun ang pinili ko. Iba yung gusto ko eh, Nursing. Di ko alam kung anong mas mahirap pero tama bang pumili ako ng course na maaari kong ibagsak soon?
Isa pa sa nakakadagdag ng pressure sa akin ay yung mga kablockmates ko. For sure, magkakaroon na ng sarilihan sa college. Yung mag-isa ka ng gagawa ng paraan para sa sarili mo. Kaya ko naman maging independent kaso minsan may takot ako sa mga kasama kong pwedeng sabihin sa akin na di ako belong dahil matatalino sila. Feeling ko tuloy parang isang malaking competition sa college. Gusto kong maging active sa school pero yun nga yung problema, mahirap yung course na kinuha ko. Hindi biro, hindi pangkaraniwan. Para daw akong magdo-doctor. Seriously?
May mga times na napapaisip ako kung bakit ako nag-Manila. Ayaw ko pa naman yung nahihirapan, nahahassle o yung napapagod kasi for sure, tatamarin akong mag-aral. Pero wala eh, ginusto ko talaga. Gusto kong mag-dorm pero wala kaming pera. Wala ring kasama ang mom ko sa bahay. Lord, challenge ba talaga Niyo ba talaga ito sa akin para matuto akong mag-tiyaga at dumiskarte sa buhay? Natatakot akong maholdap, o bagay na pwedeng mangyari sa akin sa daan. Sobrang..natatakot ako. Inunawa ko na rin na hindi rin ako pwedeng mag-Varsity. Masakit man, oo sige tanggapin na lang. Kahit sabihin kong kakayanin ko na this time, maraming hadlang eh. Baka hindi lang talaga kami para sa isa’t isa ng Volleyball.
Okay so, actually I don’t speak English or use English as my language when writing something here in my blog. I just want to try, I’m afraid I’m starting to lose my knowledge about grammar. There are times when I’m so confuse using the right tenses or the right spelling. Should I start reading a book again? Start reading the dictionary? I’m afraid I might end up going back to my elementary days to learn English grammar again. Please feel free to tell me if there is something wrong with this post. This is just a trial, for I always use Tagalog as my language.
Hilig ko maglaro ng volleyball, although hindi ako pro sa paglalaro. May part pa rin sa akin na gusto kong mag-varsity. Nag-try ako noong high school kaso wala eh, hirap akong mag adjust sa schedule. Ngayong college, mas lalo ko pang naging favorite ang volleyball. As in, tututukan ko yung isang buong laro. Ngayon gusto kong i-improve yung nalalaman ko sa volleyball by trying out. Kaso mas mahirap na pala this time. First, yung course kong Pharmacy. Mahirap. Busy ang schedule, no time for trying out. Second, priority nilang kunin ang mga varsity noong HS kaya hindi rin ako mapapansin agad para makapaglaro sa UAAP. Kaya, hanggang nood at cheer na lang talaga. Gusto ko man, mas mahalaga naman sa aking mag-aral. Ang pagiging varsity ay may katapusan at hindi mo madadala kailanman sa pagtanda. Kaya kahit gusto ko, kailangan unahin ko ang priority kong makapagtapos ng maaga.
Writers are shrewd beings with perpetually half-empty cups. They would always ponder and write about pondering. It is their biological abnormality, to feel so damn much out of the simplest of things. They would eradicate your very notions in life. Tie a string of words at the base of your tongue. Words so disconcerting and baffling. You would choke on each pull, and find yourself suffocating. They would use their two fingers to turn you like pages, skim you over until they have edited who you once were. They would crumple the edges of your name like paper, until you feel yourself so used and disposed, you would literally find yourself in the characters of their books. They would make you feel like a speck in a scope, eyeing every miniscule detail of your actions. From the nervous habit of biting pen covers, to the almost obnoxious laugh you can’t control. From your favorite authors, to why you can’t seem to sleep at night. They would find loopholes to make you relatable, but then they would outcast you by being their muse. You would literally feel their palms on your lungs, as you breathe. Like a book, warmth by their moist hands. You are read over and over again. Finding the beauty amidst your madness. Looking at the implicit details that makes you vulnerable. They would mend you, without you ever thinking you are broken. They would get sick of themselves, cry off your shoulder and beg of you to not leave them. But when that need for inspiration has expired and your use is satiated. They would hover on pretty damsels and lonely nomads on street corners and eerie cafes.
But, the most dreadful thing of falling in love with writers, isn’t their actions towards life. But of, their imprint in your soul. Because, once you let a writer into your life, make them love you, give them the reins of your identity. You are forever tainted by their pervious mind and heart. You will see life as both a wondrous probability and inescapable bane.
I know this because, I have loved one. And now, I can’t stop writing about him.
“Lahat ng bagay kumukupas at naglalaho. Ngunit ang pag-iibigan ng dalawang tao ay kailanma’y hinding-hindi mawawala sa pagdaan ng panahon.”
Para ito sa dalawang taong tunay na naging bahagi ng aking buhay. Ang mga taong itinuring akong anak at inalagaan ako magmula ng ako’y pinanganak sa mundong ito. Ang aking lolo at lola. Mula pagkabata, sila na ang nag-alaga sa akin. Nagturo sa akin ng kagandahang asal, nagmulat sa akin sa kahirapan, nagturo sa akin na mabuhay sa probinsiya at matutong makisama sa lahat ng taong araw-araw kong nakakasama. Hindi ko man maalala ang ang mga unang taon na ako’y kanilang inalagaan, hindi ko naman makakalimutan ang mga alaala noong ako’y maging apat na taong gulang. Pati na rin noong ako’y sampung taong gulang. Ngunit hindi tungkol sa pag-aalaga nila sa akin ang aking tatalakayin. Kundi ang kanilang walang kupas na pagmamahalan mula noon hanggang ngayon.
Kahapon, May 17, 2013 ay kanilang 49th Wedding Anniversary. Nais kong ibahagi sa inyo kung paano nila napanatili ang kanilang pagsasama sa ganitong kahabang panahon. Sa kanilang pagkukwento sa aming mga apo nila, nalaman kong 12 years silang naghintay sa isa’t isa bago tuluyang makapagpakasal. Nagkalayo sila, si Lola ay nasa Manila habang si Lolo ay nasa Mindanao. Dahil mahirap pa ang komunikasyon noon, umasa ang dalawa sa mga liham. Mga liham na umabot ng daang-daan. Noong mga panahon na iyon, maraming nanliligaw sa lola ko ngunit lahat ng ‘yon ay hindi niya pinansin dahil sa kanyang pagmamahal sa aking lolo. Lumipas ang 12 years, nagpasya silang magpakasal. Biniyayaan sila ng limang mga anak, kasama na ang aking ina, at ang dalawang kambal. Naging maginhawa ang kanilang buhay ngunit naglaho itong magmula noong mamatay ang kakambal ng tito ko. Lumipat sila sa Palawan dahil sa trabaho ng aking lolo sa logging at matapos nito’y pumunta na ng Maynila. Dahil sa hirap ng buhay sa Maynila, nagpasya na ang lolo at lola ko na manirahan na sa probinsya kung saan sila pinanganak. Doon ay nagmay-ari sila ng ilang ektaryang lupain kung saan pinatayuan nila ng malaking bahay kubo.
Ngayon kasama ng kanilang pagtanda, ay ang pagtanda din ng kanilang bahay. Ang garden ng aking lola na unti-unti ng nasisira dahil hindi na naaalagaan. Ang pagkaunti ng kanilang alagang hayop dahil mahirap ng alagaan. At ang pagka anay ng kanilang bahay na aming kinatatakutan lalo na sa panahon na may bagyo. Ngunit ang hinangaan ko sa kanilang dalawa ay ang pagiging matatag nila para samahan ang isa’t isa. Isa pa sa kinatutuwa ko at bagay na kinakikiligan ko pa rin sa kanila ay nag-aasarahan pa rin silang dalawa. Nagtatawanan, nagkukurutan at nagsisiraan in a good way. Nakakatuwa silang tingnan at talo pa nila ang magkasintahan dahil may tawagan pa rin sila sa isa’t isa. Napakapalad nilang dalawa dahil kahit na anong pinagdaanang hirap nila ay nalalagpasan nila ito ng magkasama. Masaya akong maganda ang kalusugan nila. Wala silang malubhang sakit kagaya ng Alzheimer’s disease na sobra kong kinatatakutan. Nagkaroon man si Lolo ng Diabetes at na-Stroke man si Lola, masaya ako dahil ngayon ay healthy talaga sila. Sobrang pinagpapala ang aking grandparents.
Tinanong ko sila noong minsan kung mayroon ba silang bagay na pinagselosan sa isa’t isa. Ang nasabi lamang nila ay mahal nila ang isa’t isa na sobra silang nagtiwala. Alam kong kaagapay nila si Lord sa pagmamahalan nila kaya umabot sila ng ganun katagal. Next year, Golden Anniversary na nila. Lagi kong pinagdadasal na sana umabot sila sa taong iyon ng magkasama. Ayokong may maiwan sa kanila mag-isa. Hindi ko alam kung paano ako makakapagconcentrate sa buhay ko kapag nawala ang isa sa kanila. Ayokong may mag-isa sa kanila. Ganoon ko sila kamahal. Sana biyayaan pa sila ng magandang kalusugan para maabutan nila ang mga susunod nilang apo.


Mr. Antonio “Tony” B. Dela Peña
Mrs. Ceferina “Pering” B. Dela Peña
Drawing credits to: RDCracker follow this blog for drawing requests. Magaling siya mag-drawing, super!
Nakakakilig lang yung mga sinasabi nilang “If I were your boyfriend/girlfriend” chuchu. Iniisip ko kung paano kung mayroon taong magsasabi sa akin ng ganun. AYYYYYY! Nakakakiling lalo na yung kina dakilanggerlpren at dakilang boyyfriend. Ay, grabe yung kilig ko sa dalawang couple na yun. Hay, Lord ibagsak niyo siya in right time ah? Excited na ako pero mas gusto ko kasi yung pangmatagalan na. Waaaah sana may mag ask sa akin bigla. Hahaha! ASA.
Ayun, I’m glad naman na may lumabas ng mga kablock ko. After ilang weeks ng paghahanap, natunton ko sila gamit ng group page namin. Saka dahil kinulit ko talaga si Cza. Nalaman ko na rin kung kailan ang orientation ko, na medyo kinabahan talaga ako dahil nakalimutan ko yung date at oras.
Sobrang thankful ako na 5 or 6 na yata kami na magkakakilala. Which is good dahil sa araw ng pasukan, magtataka yung iba bakit magkakilala na kami agad. Well, hindi kasi nila hinagilap ang freshman group sa facebook so di na namin kasalanan. Kaso, all girls pa lang kami. As in, hopeless na nga kami kung may boy ba kaming blockmate. Natatawa lang ako kapag may mga false alarm na may boy na daw kaming blockmate tapos biglang ibang course pala. Gustong-gusto na namin talaga pero malakas ang kutob namin na all girls kami. Lol
Eto pa, “girlfriends” na agad ang tawagan namin. Mayroon na kaming sariling group sa facebook na kami lang talaga. Nagpopost kami ng kung anu-ano, rants pati na rin biography namin. Every night, may conference kami though ngayong week medyo busy ang lahat, I don’t know why. Na-share ko na nga sa kanila yung “pinagdaanan” ko, which is good naman dahil may natutunan daw sila. May mga plans na rin kami gaya ng panonood ng UAAP, pagpunta sa kani-kanilang bahay at marami pa. Hoping na sana sa susunod kami-kami pa rin ang magkakasama. Mahirap na ‘no, sila ang unang naging friends ko.
Pero ngayon iba na talaga. Iba na pakilala ko sa mga magiging college friends ko. Di na ‘ko magpapatawag ng “Jenelle” instead, “Jen” na lang. Odiba new? Tutal dun naman ako mas sanay.

